Ate, ako na lang po ang magdala ng pinamalengke nyo.
Kaya mo? Ako nga malaki na hirap na hirap pa ako. Mabigat ito...
Kaya ko po yan ate. Sanay na po ako.
So I obliged because it was really sooo heavy.
Dalawa tayo ha. Ikaw sa kabila.
Opo ate. Thank you po.
While we were walking from the meat stalls to the vegetable section, I probed.
Alam ba ng mga magulang mo na nandito ka?
Opo. Hinihintay ko nga po ang mama ko kasi po namalengke siya.
Aaaa...tas sabay na kayong uuwi?
Hindi po. Maiiwan po ako. Magbebenta pa po ako ng supot e.
Saan nagwowork ang mama mo?
Sa Bakakeng po. (I thought her mom worked in the market)
So, mag-isa ka lang na nagbebenta?
Opo, kaya ko naman po.
Anong oras ka pumunta dito?
Alas sais p0, nasa palengke na po ako.
Hanggang anong oras ka?
Hanggang gabi na po.
Asan ang papa mo?
Patay na po e. Three years na po.
Ikaw ba ang panganay?
Hindi po. Ako po ang bunso at mag-isang babae.
Ilang taon na ang mga kuya mo?
10 at 11 years old po.
Pumapasok kayo lahat sa school?
Opo.
Tinutulungan ko lang po ang mama ko kasi alam ko pong nahihirapan siya.
Kaya mo pa ba akong ihatid hanggang sa Sunshine? Di ka ba hahanapin ng mama mo?
Opo. Kayang kaya ko po. Di po niya ako hahanapin. Alam naman po niya ang trabaho ko.
Kumain ka na ba?
Opo, kumain po ako bago po ako lumabas ng bahay.
Ate, lagi po ba kayong namamalengke?
Oo.
Anong araw po? Sabado po ba?
Oo, kung minsan Sabado, kung minsan Linggo.
Ate, doon lang po ako. Hanapin nyo lang po ako kung mamalengke kayo.
Oo, sige. Thank you ha.
Salamat din po ate.
And she left with a smile that made me think about my son, 8 years old, Grade 3, and watching TV.
1 comment:
hos. you did not post the pictures!
Post a Comment